Bagong brand ng whisky na para sa mga millennial, inilunsad ng Tanduay

By Justinne Punsalang June 27, 2018 - 12:21 AM

Ipinakilala na ng Tanduay Distillers ang kanilang bagong brand ng whiskey.

Sa “Chill Muna Tayo” event na ginaganap sa Quezon City, inilunsad ang Embassy whisky.

Ayon kay Jaime Cipriano, junior brand manager ng Tanduay, ang Embassy whisky ay swak sa mga young professionals o yuppies na gusto lamang mag-chill pagkatapos ng stressful na trabaho at mas nakakapagod na biyahe dahil sa traffic.

Ani Cipriano, ang ipinagkaiba ng Embassy whisky sa ibang whisky sa merkado ay mas smooth ang hagod nito, may perfect blend, at hindi masyadong matapang ang sipa.

Bagaman primary target market ang mga millennials, hindi naman ibig sabihin na hindi ito pwede sa mga older consumers.

Positibo naman ang naging pagtanggap ng mga tumikim sa bagong brand ng whisky ng Tanduay. Katulad na lamang ng magkaibigang sina Fiel at Christian na sinabing lumelebel ang lasa ng Embassy sa ibang mga mas mahal na black label whisky.

Sa ngayon ay mabibili na ang Embassy whisky sa mga pangunahing convenience stores nationwide.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.