Isa patay, isa arestado sa buy bust operation sa Valenzuela

By Justinne Punsalang June 27, 2018 - 12:16 AM

Nasawi ang isang drug suspek, habang arestado naman ang kanyang kasabwat matapos magkasa ng buy bust operation ang mga otoridad sa Malinta, Valenzuela City.

Kinilala lamang ang nasawing suspek na si alyas na Golem, habang ang naaresto naman niyang kasamahan ay si Ranny Manalastas.

Ayon sa hepe ng Valenzuela City Police na si Police Senior Superintendent David Poklay, si alyas Golem ang kanilang pangunahing target sa operasyon.

Nang makabili ng hinihinalang droga mula dito ay nakatunog si alyas Golem na pulis pala ang katransaksyon, dahilan upang paputukan nito ang mga otoridad.

Walang nagawa ang mga pulis kundi depensahan ang kanilang mga sarili at gumanti ng putok.

Isinugod pa sa Valenzuela Medical Center si alyas Golem ngunit idineklarang dead on arrival ng naka-duty na doktor.

Narekober mula sa suspek ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre 38 na baril.

Mahaharap si Manalastas sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.