Laguna Heroes wagi kontra Pasig Pirates sa Maharlika Pilipinas

By Justinne Punsalang June 27, 2018 - 12:14 AM

Tinalo ng Laguna Heroes ang Pasig Pirates sa kanilang naging tapatan kagabi para sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup na ginanap sa Pasig Sports Center.

Natapos ang laro sa iskor na 83-75, parbor sa Heroes.

Ang nagdala sa nasabing koponan ay ang dating manlalaro ng Ateneo de Manila University Blue Eagles na si Jai Reyes.

Aniya, masaya silang buong team dahil sa kanilang pagkapanalo dahil matagal nilang pinaghandaan ang tapatan.

Dagdag pa nito, kinailangan nilang bumawi mula sa kanilang unang pagkatalo sa mismong home court ng koponan.

Nakapagtala ng game-high na 21 points si Reyes.

Hindi naman nagpahuli ang kanyang mga teammates tulad ni Denok Miranda na nakapagtala ng 15 puntos.

Samantala, para sa Pirates, si Marlon Monte ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 17 points.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.