Delgra: Walang palakasan sa pagkuha ng prangkisa
Nanindigan si Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Chairman Martin Delgra na hindi siya nagbigay ng anumang pabor sa ilang kumpanya para sa prangkisa.
Ito’y makaraang maghain si ACTO Chairman Efren De Luna ng reklamong graft laban kay Delgra sa Office of the Ombudsman.
Bias daw kasi si Delgra sa pagbibigay ng prangkisa sa mga public utility vehicles o PUVs.
Nais din ni De Luna na masupinde muna sa trabaho si Delgra.
Pero sa isang statement, ipinaliwanag ni Delgra na ang Board Resolution no. 045 ay hindi binuo para magkaloob ng “undue favor or advantage” sa sinuman o anumang grupo.
Ang lahat aniya ng aplikante ay kailangan pa ring maghain ng kani-kanilang aplikasyon at sumailalim sa proseso upang makakuha ang Certificates of Public Convenience o CPC.
Giit pa ni Delgra, ang lahat ng aplikante ay kailangan ding magpakita ng sapat na patunay na “eligible” at kwalipikado sila, bago magpasya ang Board ng LTFRB ng kung mag-iisyu o hindi ng CPC.
Sinabi ni Delgra na maglalabas sila ng karagdagang komento sa oras na makuha na ng Board ang kopya ng reklamo ni De Luna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.