NFA nagbabala sa mga magsasamantala sa bentahan ng murang bigas
Nagsimula nang dumating sa mga pamilihan ang mga bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA).
Personal na tiningnan ni NFA Administrator Jayson Aquino ang mga bigas ng NFA na binagsak sa Commonwealth Market at Muzon Public Market sa Quezon City.
Nang mabalitaan ng ilang mga residente na may mabibili na silang murang bigas sa Commonwealth Market ay agad silang nagtungo para bumili ng imported na bigas.
Ang presyo ng bigas na mabibili ay nasa P27 per kilo at limitado lamang sa limang kilo ang pwedeng bilhin ng isang mamimili.
Umapila naman si Aquino sa publiko na magsumbong sa hotline 8888 kung sakaling may makitang pandaraya sa bentahan ng NFA rice.
Tiniyak rin ng opisyal na hindi kakapusin ng buffer ang bansa sa mga bigas ng NFA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.