Mga batang palaboy sunod na target ni Duterte

By Chona Yu June 26, 2018 - 03:20 PM

Inquirer file photo

Matapos ang ikinasang malawakang pag-aresto sa mga tambay, sunod naman na tinatarget ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na iparesto sa mga pulis ang mga batang palaboy.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Cagayan De Oro City, sinabi nito na dapat na arestuhin ng mga pulis ang mga pakalat-kalat o ang mga palaboy na batang may edad labing walong taong pababa lalo na sa gabi.

Paliwanag ng pangulo, mahalaga na maprotektahan ang mga kabataan lalo’t nagkalat sa lansangan ang ilegal na droga.

Nilinaw naman ng pangulo na pinadadampot niya ang mga batang palaboy hindi dahil sa krimen kundi para na rin sa kanilang kabutihan.

“Below 18, you arrest the teenagers there around loitering because we have to protect our children. Nagkalat na ang droga, nagkalat na ang lahat, and some of the young people as early as 10, sabi ng itong survey noong isang araw”, ayon pa kay Duterte.

Dahil sa menor de edad, pinagsabihan ng pangulo ang mga pulis na iturn over na lamang sa barangay o sa Department of Social Welfare and Development ang mga maarestong batang palaboy.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na tama lamang ang hakbang ng pangulo dahil ang gobyerno ang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga bata.

TAGS: barangay, dswd, duterte, palaboy, street children, barangay, dswd, duterte, palaboy, street children

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.