Dating Sen. Revilla maghaharap ng ebidensya sa Sandiganbayan

By Isa Avedaño-Umali June 26, 2018 - 03:13 PM

Inquirer file photo

Ngayong araw ang presentasyon ng kampo ni dating Senador Bong Revilla ng mga depensa at ebidensya sa Sandiganbayan 1st division, para sa kanyang kaso kaugnay sa Pork Barrel scam.

Matatandaang halos limang buwang na-delay ang presentation of evidences dahil sa mga inihaing mosyon ng magkabilang-panig.

Personal na dumating sa Sandiganbayan si Revilla, kasama ang asawa nito na si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla at manager nito na si Lolit Solis.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder, matapos umanong magkamal ng aabot sa P224.5 Million, mula sa paglagak ng pork barrel nito sa bogus NGOs ni Janet Lim-Napoles.

Gayunman, nakapiit pa rin si Revilla sa detention facility ng PNP habang ang mga dating senador na sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na may kinakaharap ding mga kaso ay nakalabas na ng kulungan.

Bago naman pumasok sa court room si Revilla, tinanong siya ng mga mamamahayag ukol sa nakumpiskang cellphone nito, pero ang tanging tugon nito ay “mahal ko kayo” at walang sagot sa isyu.

TAGS: napoles, ngo, plunder, Revilla, sandiganbayan, napoles, ngo, plunder, Revilla, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.