Duterte hindi kailangang personal na makipag-dayalogo sa Simbahang Katolika

By Chona Yu June 26, 2018 - 12:34 PM

Naniniwala ang Malakanyang na hindi na kailangan na personal pang makipagdayalogo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng Simbahang Katolika.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, sapat na silang tatlo nina Foregn Affairs Undersecretary Ernesto Abella at Pastor Boy Saycon na makipag-usap sa simbahan.

Sinabi pa ni Roque na nakapag-establish na rin sila ng pangulo ng protocol kung paano makipag-usap sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Tema aniya ng dayalogo kung paano mababawasan ang hidwaan sa pagitan ng gobyerno at ng simbahan.

Sinabi pa ni Roque na hayaan ng pamahalaan ang simbahan na mag-define ng agenda sa dialogue.
Umaasa rin si Roque na magiging mabunga ang diyalogo lalo’t maganda naman ang relasyon nina Pangulong Rodrigo Duterte at ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles.

TAGS: Dialogue with the church, religious groups, Rodrigo Duterte, Dialogue with the church, religious groups, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.