Negosyante dinukot sa Laguna

By Rohanisa Abbas June 26, 2018 - 12:13 PM

Dinukot ang isang negosyanteng Chinese sa Cabuyao City, Laguna.

Nakilala ng pulisya ang biktima na isang 30 taong gulang na nasa kalakalan ng stainless steel.

Ayon sa pulisya, dakong 11:45 ng umaga ng Linggo, isinakay ng isang grupo sa van ang biktima sa Barangay Banlic.

Kinumpirma ng hepe ng Cabuyao police na si Supt. Arvin Avelino ang insidente, pero tumanggi siyang magbigay ng iba pang detalye.

Hawak na ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police ang kaso.

TAGS: businessman, Cabuyao Laguna, kidnap victim, Radyo Inquirer, businessman, Cabuyao Laguna, kidnap victim, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.