Anim na nasawing pulis sa Samar misencounter pinangalanan na

FB Photo

Tinukoy na ang pagkakakilanlan ng anim na nasawing pulis sa misencounter na naganap sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sitio Lunoy, Brgy. San Roque, Sta. Rita, Samar.

Ang engkwentro ay naganap alas 9:27 ng umaga ng Lunes kung saan, nagkasagupa ang mga tauhan ng 805th Company ng Regional Mobile Force Batallion at mga miyembro ng 87th Infantry Battalion (IB).

Kabilang sa mga nasawi sina PO1 Phil Rey Mendigo, PO1 Edwin Ebrado, PO1 Wyndell Normor, PO1 Rowel Reyes, PO1 Julie Escalo at PO1 Julius Suarez.

Habang nasugatan naman sina PO1 Romulo Cordero, PO1 Elmer Pan, PO1 Jaime Galoy, PO1 Rey Barbosa, PO1 Jonel Gonzaga, PO1 Cris Angelo Pialogo, PO1 Janmark Adones, PO1 Romel Bagunas at PO1 Roden Goden.

Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok bago nasabihan ang company commander ng 87th IB na itigil ang pagpapakawala ng bala dahil mayroong impormasyon na may mga pulis na nagsasagawa ng combat operation sa lugar.

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang PNP para imbestigahan ang insidente at nagsasagawa din ng hiwalay na imbestigasyon ang Philippine Army.

Read more...