Komite na makikipagdayalogo sa simbahan binuo ni Pang. Duterte
Bumuo ng komite si Pangulong Rodrigo Duterte na ang trabaho ay makipagdayalogo sa Simbahang Katoliko at iba pang religious groups.
Sa gitna ito ng mga banat at batikos ng pangulo partikular na sa mga pari at obispo ng simbahan.
Ang anunsyo ay inihayag sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Panacan, Davao City.
Kabilang sa mga itinalaga ng pangulo sa komite ay sina Roque, Pastor Boy Saycon at DFA Usec. Ernesto Abella.
Ani Roque, magiging tema ng pakikipag-usap ay ang kung paanong mababawasan ang hidwaan sa pagitan ng pamahalaan at simbahan.
Si Boy Saycon aniya ang naatasan na makipag-ugnayan na sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) habang sinabi ni Roque na siya ang makikipag-ugnayan sa Philippine Council of Evangelical Churches o (PCEC).
Dagdag pa ni Roque, pagtugon lang din ito ng pamahalaan sa dati nang hiling para sa dayalogo sa simbahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.