Para magamit pang self-defense laban sa mga kriminal, bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tig-iisang caliber 22 na baril ang mga barangay captain sa bansa.
Sa talumpati ng pangulo Lunes ng gabi sa Cagayan de Oro City sinabi nito na magsisilbing panlaban ng mga kapitan ng barangay ang caliber 22 sa mga kriminal sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Pero paalala ng pangulo, dapat lamang itong gamitin ng mga barangay captain sa panahong gipit na ang sitwasyon sa pagitan ng mga hinahabol o nire-respondehan nilang insidente ng krimen.
Nilinaw din ng pangulo na dapat ay sumailalim sa proseso ang mga kapitan ng barangay na bibigyan ng kalibre 22 tulad halimbawa ng pagkuha ng lisensiya at permit to carry firearms outside residence at ang mga karapat-dapat lang ang dapat mabigyan nito.
Ayaw ng pangulo na bigyan ng machine gun ang mga barangay captain dahil malaki aniya ang magiging danyos nito sakaling magamit na pang depensa.
Sa ngayon sinabi ng pangulo na naghahanap na siya ng pondo at nagpapa-bidding na para mapadali ang pagbili ng naturang armas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.