DENR, BFAR, at LGUs binawalan ni Pang. Duterte na magsagawa ng checkpoint
Mahigpit ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at maging sa mga tauhan ng local government units na bawal na silang magsagawa ng checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa talumpati sa Cagayan De Oro City, sinabi ng pangulo na tanging ang mga pulis at sundalo na lamang ang maaring nagsagawa ng checkpoint kung kinakailangan.
Paliwanag ng pangulo, dahil sa pangingikil ng mga tauhan ng mga taga BFAR sa checkpoint, tumataas ang presyo ng isda sa mga palengke.
Maging ang nga prutas aniya na iniluluwas mula sa mga bukid patungo sa mga palengke ay karaniwang tunataas ang presyo dahil sa pangingikil ng nga taga denr at mga taga lgus
Kapag nagkataon at nahuli ng pangulo na nabgingikil ang mga ito, ipiakakain niya ng buo ang mga produkto gaya ng niyog o pinya.
Malas aniya ng mga tauhan ng mga DENR at LGU kapag nagkataon na nahuli sa Davao at nanghihingi ng durian dahil ipakakain niya ang mga ito ng buo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.