WATCH: Otis Bridge sa Maynila isinara sa mga motorista dahil sa mga bitak

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Jan Escosio June 26, 2018 - 09:01 AM

Kuha ni Jan Escosio

Isinara sa daloy ng traffic ang Otis Bridge sa Paco, Maynila matapos makitaan ng mga bitak.

Pasado alas 12:00 ng madaling araw hindi na pindaanan sa anumang uri ng sasakyan ang tulay na kadalasang dinaraanan ng malalaking truck.

Nasa 20 talampakan ang haba ng nakitang crack sa kalagitnaan ng tulay.

Sa abiso ng MMDA sa mga motorista, pinayuhan ang mga itong iwasan na lamang ang lugar upang hindi maipit sa traffic.

Ayon sa City Disaster Office ng Maynila, pinangangambahang gumuho ang tulay dahil sa nakitang mga crack kaya maging ang tatlong pamilya na naninirahan sa ilalim nito ay pinaalis na din.

TAGS: mmda, Otis Bridge, Paco Manila, road closure, mmda, Otis Bridge, Paco Manila, road closure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.