Kinumpiska na ng BSP ang nasabing pekeng pera.
Sinabi ni Joy Lorico, managing director ng Currency Management ng BSP, sa Pampanga nila nakuha ang pekeng pera at aniya nag-iisa lang ang kopya nito.
Magugugunita na naging viral sa social media ang P10,000 perang papel kayat agad na nagpalabas ang Bangko Sentral ng abiso sa kanilang Facebook account.
Nilinaw ng BSP na wala silang inilalabas na P10,000 pera at itinuturing na krimen ang paggawa, pag iingat at paggamit ng pera.
Dagdag pa ng BSP tanging P1,000; P500; P200; P100; P50 at P20 lang ang halaga ng mga perang papel sa bansa.
Bagamat noong 1998, naglabas ang BSP na buong P100,000 at P2,000 Centennial commemorative bills.