Buy-bust nauwi sa engkwentro sa Antipolo, 3 ang patay

Patay ang isang high-value target at dalawa niyang kasamahan makaraang mauwi sa engkwentro ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga pulis sa Antipolo City.

Target ng mga otoridad ang isang suspek na itinuturing na high value target at nasa drug watchlist sa Barangay Inarawan.

Nang mag-positibo ang buy-bust, natunugan ng suspek na pulis ang kaniyang kaharap dahilan para ito ay manlaban.

Nasawi ang suspek gayundin ang dalawa niyang pang kasamahan.

Ayon sa Antipolo City police, pawang miyembro ng Bong Chavez group ang tatlo.

Nakuha mula sa kanila ang P680,000 na halaga ng ilegal na droga at apat na mga baril.

Read more...