Archbishop Villegas, nagbigay ng payo sa publiko kasunod ng mga atake ni Pangulong Duterte

By Rod Lagusad June 26, 2018 - 03:52 AM

Nagbigay ng payo si Lingayen Archbishop Socrates Villegas sa publiko na huwag ng gumanti sa pamamagitan ng pamba-bash sa social media ang mga hindi sang-ayon sa mga naging mga atake ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika.

Ayon kay Villegas na huwag magtanim ng sama ng loob pero manatiling kritikal, respetuhin ang mga magulang ang mga otoridad at laging piliin ang tamang asal kahit na nakakakita o nakakarinig ng mag pambabatikos.

Sa kabila ng mga pagmumura, mga pag-atake ni Pangulong Duterte ay hinimok ni Archbishop Villegas ang publiko na mahalin ito.

Aniya maging maatapang pero maging mapagmahal sa lahat ng oras, manatiling matatag sa paniniwala at iginioit na bawal ang duwag pero huwag makikipag-away.

Ayon kay Villegas, maaring nasaktan ng sobra ang pangulo noon kaya ibinubulalas nito ngayon ang kanyang galit at kung nakatanggap ng maraming pagmamahal ang pangulo ay magiging mapagbigay din ito ng pagmamahal sa iba.

TAGS: Rodrigo Duterte, Socrates Villegas, Rodrigo Duterte, Socrates Villegas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.