Pagsasampa ng kaso sa mga dating DOTr offcials, tama lang ayon kay Sen. Poe

By Jan Escosio June 26, 2018 - 12:47 AM

Ayon sa resolusyon ng pinamumunuan ni Sen. Grace Poe na Committee on Public Services ang pahayag ng Office of the Ombudsman na may probable cause para kasuhan ng graft ang mga dating opisyal ng Department of Transportation and Communications dahil sa maanomalyang maintenance contracts ng MRT ay tama lang.

Aniya nararapat lang na papanagutin ang mga umaabuso o nagpapabayang opisyal.

Sa konklusyon ng committee report, nabanggit na may pagpapabaya at kawalan ng tamang hakbangin ang mga opisyal sa pangunguna ni dating Sec. Joseph Abaya.

Ito ay nagbunga ng paghihirap at sakripisyo sa mga pasahero dahil sa mga aberya sa operasyon ng MRT.

Dagdag pa ni Poe, paalala lang ito na seryosong kaso ang katiwalian at leksyon ito sa mga opisyal na dapat ay maging maingat sa pagpasok sa mga kontrata sa mga pampublikong proyekto.

TAGS: dotr, grace poe, ombudsman, dotr, grace poe, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.