Pagtutol ng DepEd sa drug test sa mga elementary students, kinatigan ng Malakanyang
Sinang-ayunan ng palasyo ng Malakanyang ang pahayag ni Education Secretary Leonor Briones na labag sa Dangerous Drugs Act ang drug test sa mga estudyante sa Elementary.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maari lamang magkaroon ng drug test sa mga estudyante na nasa high school na.
Gayunman, sinabi ni Roque na sa ngayon, wala pang desisyon ang Korte Suprema kaugnay sa constitutionality ng drug test.
Inihalimbawa pa ni Roque ang kasi sa Amerika kung saan kinatigan ng korte ang random drug test sa mga high school student pero sinupalpal naman ang mandatory drug test.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.