Maaga pa lamang ay nasa Manila Golden Mosque na ang mga kababayan nating Muslim para sa pagsisimula ngayong araw na ito, ika-18 ng Hunyo ng panahon ng Ramadan.
Ayon kay Abu Marjan, isa sa mga Muslim na maagang sumamba kaninang umaga, opisyal ng nagsimula ang kanilang fasting kaninang alas 4:10 ng umaga.
Magtatagal ang fasting hanggang takipsilim.
Sa isinasagawang fasting bawal ang pagkain, pag-inom ng alak, at sexual activities. Ayon kay Abu Marjan, layunin ng fasting ang makapagpairal ng self-restraint at makaiwas sa mga kasalanan.
Bilang bahagi rin ng mga aktibidad para sa Holy Ramadan, inaasahan ang pagdagsa ng mga Muslim alas 8:00 ng gabi para sa kanilang Tarawi prayer.
Kahapon nagpahatid na ng pagbati si Pangulong Aquino para sa Muslim Community sa bansa.
Ayon sa Pangulo nakikiisa ang buong Pilipinas sa Muslim Community sa paggunita sa Ramadan.
Magugunitang dahil hindi nakita ang cerescent moon noong June 16, idineklara na lamang ang petsang June 18 para sa pormal na pagsisimula ng Ramadan.
Tatagal ng tatlumpung araw ang paggunita sa Holy Ramadan. / Ruel Perez