Albayalde, inutusan ang mga pulis na huwag gamitin ang salitang ‘tambay’
Inutusan ni Philippine National Police (PNP) chief Director Oscar Albayalde ang mga pulis na huwag ng gamitin ang salitang tambay bilang patungkol sa naaresto ng mga lumabag sa ordinansa ng syudad at munisipalidad dahil nagdulot ito ng kalituhan sa publiko.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na ipinagbabawal na niya ang paggamit ng tambay na salita dahil ilang beses ng sinabi ng otoridad na walang paglabag dahil sa mga tambay.
Ayon sa PNP chief, ang mga nahuli ay lumabag sa city ordinances at hindi dahil sila ay tambay.
Ang paggamit anya ng salitang tambay ay general term lamang.
Samantala, una nang sinabihan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga district directors, hepe ng pulisya at station commanders sa Metro Manila na itigil na ang paggamit ng tambay sa kanilang mga reports at maski sa mga interview.
Wala aniyang Oplan Tambay kaya ang dapat gamitin ay mga lumabag sa local ordinances.
Sa kabila ng kontrobersya ay tuloy naman ang implementasyon ng PNP ng mga ordinansa ng mga lokal na pamahalaan na pangungunahan ng mga opisyal ng barangay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.