Ayon kay Commissioner Isidro Lapeña, nagsagawa sila ng operasyon matapos ang tip ng kinatawan ng brand owner na mayroong mga pekeng gadgets sa loob ng Warehouse 6 sa No. 641 Fernandez St., Sta. Cruz, Manila.
Ang bodega ay pag-aari nina Joseph Lee, Albert Chua at Kevin Sy.
Sinabi ni Lapeña na batay sa inisyal na ulat mula sa National Telecommunications Commission (NTC), ang mga smartphones at tablets ng brands ng ZH&K, Chico Mobile, CKK at Samsung ay peke ang mga NTC stickers.
Binigyan ng ahensya ang may-ari ng warehouse ng 15 araw mula sa petsa ng inspeksyon para magbigay ng importation documents at ibang kaukulang dokumento at kung wala ay itutuloy ang seizure and forfeiture proceedings sa mga gadgets.
Kinumpirma naman ng brand owner representative na si Neil Crowther na ang nakumpiskang mga cellphone at tablets na walang NTC stickers ay mga pekeng bersyon ng iPhone, Nokia at Vivo.