Pangulong Duterte, inutos na ipagpatuloy ang pagkapkap sa mga tambay
Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na ituloy pa rin ang pagkapkap sa mga tambay.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga bagong halal na Barangay Chairpersons sa Region 10 na ginanap sa Cagayan De oro City, sinabi ng pangulo na hindi aniya dapat na itigil ang Anti Tambay oeprations hanggat hindi sinasabi ng Korte Suprema na ilegal ang kanyang utos.
Paniwala ng pangulo, legal kasi ang kanyang anti policy dahil sa mga umiiral na lokal na ordinansa.
Maging sa amerika aniya ay ginagawa rin ang pangangapkap sa mga tambay.
Utos ng pangulo sa mga pulis, huwag maniwala at huwag pansinin ang mga batikos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.