Base sa House Resolution No 1969 ng Makabayan bloc nais ng mga ito na kumilos ang House Human Rights Committee upang maimbestigahan ang Oplan Tambay dahil sa paglabag sa mga karapatan na ginagawa ng mga awtoridad.
Paliwanag ng mga ito, matapos ang pahayag ng pangulo na hulihin ang mga tambay ay kaagad sumunod ang mga pulis at pitong libo agad ang nadakip.
Iginiit ng Makabayan bloc na kung hindi gagawa ng aksyon ang Kongreso ay mauuwi ito sa mga kaso ng police brutality at extra judicial killings.
Kabilang sa mga kaso ng mga naaresto sa Oplan Tambay ay si Genesis Argoncillo alyas Tisoy na hinuli pagkalabas ng bahay at ikinulong sa station 4 ng QCPD at kalaunan ay nasawi.