50-bahay wasak dahil sa rumagasang tubig at troso

By Erwin Aguilon October 20, 2015 - 07:25 AM

12166704_10208326564827657_1919293530_n
Kuha ni Erwin Aguilon

Aabot sa limampung bahay ang nawasak matapos rumagasa ang tubig na may kasamang troso sa gilid ng Gapan- San Leonardo Bridge, San Leonardo, Nueva Ecija.

Ayon sa mga residente, nagulat na lamang sila ng biglang lumaki ang ilog.

Kasabay anila ng pag-apaw ng ilog ay ang paghampas sa kanilang bahay ng mga malalaking troso at tablan na galing sa kabundukan ng Sierra madre.

Dahil dito sa gilid ng Maharlika hiway, San Leonardo, Nueva Ecija pansamantalang tumitigil ang mga biktima at naghihintay ng tulong.

Dahil sa trahedya maraming mga bata ang nanghihingi ng pera sa mga dumaraang motorista.

Isisi namn ng mga residente sa logging operation ang nasabing trahedya.

Halos 95 porsiyento ng Nueva Ecija ay lubog sa tubig baha at nasa ilalim nan g State of Calamity ang buong lalawigan.

TAGS: SanLeonardoNuevaEcija, SanLeonardoNuevaEcija

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.