Ilang bahagi ng Metro Manila binaha

Inquirer file photo

Muling lumubog sa tubig-baha ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa biglaang buhos ng malakas na ulan.

Bago mag-alas sais ng gabi kanina ay hindi na madaanan ng mga maliliit na sasakyan ang bahagi ng España malapit sa Blumentritt street dahil umabot na sa tuhod ang baha.

Sa advisory ng Metro Manila Development Authority (MMDA), umabot sa hanggang sa bewang ang baha sa kanto ng Quezon Avenue at Biak na Bato sa Quezon City.

Nagkaroon rin ng gutter-deep na baha sa panig ng R.Papa sa boundary ng Caloocan City at Maynila samantalang binaha rin ang paligid ng Monumento Circle.

Nagresulta naman ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang malakas na buhos ng ulan partikular na sa EDSA, España at Taft Avenue sa Maynila.

Pasado alas-singko ng hapon ay naglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA at sakop nito ang Metro Manila, Pampanga at Bulacan.

Read more...