P133-M na halaga ng droga nai-turn over na ng BOC sa PDEA

By Alvin Barcelona June 25, 2018 - 04:37 PM

Photo: Grig Montegrande

Pormal na ipinaubaya ng Bureau of Customs sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P133.6 Million na halaga ng shabu at marijuana na nakumpiska nito.

Ayon sa Customs Commissioner Isidro Lapeña, kabilang sa kanilang itinurn over ang 15.96 kilong shabu, 1 kilong marijuana at dalawang kilo pa ng shabu na nakumpiska rin kamakailan.

Ang nasabing kontrabando ay nasabat ng BOC sa magkakahiwalay na pagkakataon sa Ninoy Aquino Internationa Airport at Clark Airport sa Pampanga.

Ang turn-over ay alinsunod sa Section 21 ng Republic Act 9165 kung saan nakasaad na ang PDEA ang dapat na mangalaga sa lahat ng mga drug evidence kabilang ang mga operasyon kontra sa iligal na droga ng ibang ahensya ng gobyerno.

Bukod sa mga kumpiskadong droga ay iprinisinta rin sa media kanina ng mga opisyal ng BOC ang mga 25,000 units ng mga pekeng iPhones, smartphones at tablets.

Umaabot sa P75 Million ang halaga ng nasabing mga pekeng gadget na kanilang nakumpiska sa sinalakay na warehouse sa Sta. Cruz Maynila.

TAGS: drugs, fake cellphones, lapeña, Marijuana, NAIA, shabu, drugs, fake cellphones, lapeña, Marijuana, NAIA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.