JBC nagsimula na sa pagtanggap ng nominasyon para sa binakanteng pwesto ni Sereno

By Rohanisa Abbas June 25, 2018 - 03:45 PM

Umarangkada na ang pagbusisi ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa susunod na Chief Justice matapos patalsikin sa Korte Suprema si Maria Lourdes Sereno.

Otomatikong nominado na para sa posisyon ang senior justices na sina Acting Chief Justice Antonio Carpio, at Associate Justices Lucas Bersamin at Teresita De Castro.

Ayon sa JBC, hindi na nominado si Associate Justice Presbitero Velasco Jr. dahil nakatakda na siyang magretiro sa August 8.

Inanunsyo naman ni Carpio noong nakaraang linggo na tatanggihan niya ang nominasyon sa posisyon.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagkatig nito sa quo warranto case laban kay Sereno at inanusyo ang pagsisimula ng 90 araw na paghahanap ng susunod na punong mahistrado.

Sa kanilang inilabas na pahayag ay sinabi ng JBC na dadaan sa masusing review ang dokumento ng mga nominado sa posisyong binakante ni Sereno.

TAGS: Associate Justice, Chief justice, Judicial and Bar Council, Sereno, Associate Justice, Chief justice, Judicial and Bar Council, Sereno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.