Dating DOH Sec. Garin sumalang sa preliminary investigation sa Dengvaxia controversy

By Ricky Brozas June 25, 2018 - 12:22 PM

Humarap sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors si dating Health Sec. Janette Garin kaugnay ng reklamong kriminal ng siyam na kaanak ng mga batang naturukan ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Nagsumite ng kanilang kontra-salaysay sa panel ang karamihan sa mga respondents sa kaso gaya ni Garin, Dr. Lyndon Lee Suy, Dr. Gerardo Bayugo at iba pang dati at kasalakuyang opisyal ng DOH.

Pinanumpaan ng mga opisyal ang kanilang counter-affidavit sa harap ng panel bilang sagot sa reklamo ng mga complainant.

Habang hindi naman dumalo sa pagdinig si Health Secretary Francisco Duque III kahit may ipinadalang subpoena ang DOJ sa kaniya para dumalo sa hearing.

Isa si Duque sa mga respondents sa reklamo nina G. Jeffrey Alimagno at ng mag-asawang Lauro at Analyn Eboña – ilan sa mga magulang ng mga namatay na dengvaxia vacinee.

Sina Duque, Garin at iba pang respondents ay nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide, torture resulting in the death of any person, at torture committed against children na paglabag sa Republic Act 9745.

Maliban kay Duque at Garin, kasama rin sa sinampahan ng reklamo sa DOJ ang mga opisyal ng Zuellig Pharma Corporation na siyang nag-distribute ng Dengvaxia sa bansa at Sanofi Pasteurs na gumawa ng nasabing bakuna kontra dengue.

TAGS: Dengvaxia, department of justice, doh, Health, Janette Garin, Dengvaxia, department of justice, doh, Health, Janette Garin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.