Dating DOTr Sec. Abaya, 16 na iba pa, pinakakasuhan ng Ombudsman sa P4.2B MRT maintenance contract

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 25, 2018 - 12:13 PM

Ipinasasampa na ng Office of the Ombudsman ang kasong graft laban kay dating Sec. Joseph Emilio Abaya ng Department of Transportation (DOTr) at 16 na iba pang mga opisyal dahil sa maanomalyang kontrata sa pag-maintain ng MRT-3 na nagkakahalaga ng P4.2 billion.

Sa inilabas resolusyon, nakitaain ng sapat na batayan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales para ipagharap ng kasong paglabag sa section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina Abaya; DOTr Undersecretaries Edwin Lopez, Rene Limcaoco (Head of the Negotiating Team) at Catherine Jennifer Francis Gonzales (Vice-Head, Negotiating Team); MRT3 General Manager Roman Buenafe, Camille Alcaraz (Assistant Secretary for Procurement), Ofelia Astrera (Vice-Chairperson, MRT3 Bids and Awards Committee), Charissa Eloisa Julia Opulencia (Attorney V), Oscar Bongon (Chief, Engineering Division) at Jose Rodante Sabayle (Engineer III).

Kasama ding pinakakasuhan ang mga pribadong respondents sa kaso na sina Eldonn Ferdinand Uy ng Edison Development and Construction, Elizabeth Velasco ng Tramat Mercantile Incorporated, Belinda Tan ng TMI Corporation, Inc., Brian Velasco ng Castan Corporation, at sina Antonio Borromeo, Jun Ho Hwang at Elpidio Uy mula sa Busan Universal Rail, Inc. (BURI).

Batay sa imbestigasyon ng special panel of investigators, noong October 2014 at January 2015 nagsagawa ng dalawang bidding ang DOTr na noon ay DOTC para sa three-year maintenance service contract sa MRT3. Kapwa hindi nagtagumpay ang dalawang biddings dahil sa walang nagsumite ng bid.

Noong January 28, 2015, nagpalabas ng special order si Abaya na bumubuo sa MRT3 Bids and Awards Committee (BAC) para sa pagbili ng goods, infrastructure projects at consulting services sa MRT3 system.

At noong March 2015, nag-isyu ng resolusyon ang MRT3 BAC na nagrerekomenda na magsagawa ng negotiated procurement. Sa huli, sa Busan Joint Venture (Busan JV naibigay ang kontrada.

Pero ayon sa Ombudsman, ang Busan JV ay hindi technically, legally at financially capable para sa MRT3 long-term maintenance contract.

At kahit hind inga ito kwalipikado, ini-award pa rin ng DOTr ang kontrata sa nasabing kumpaya na malinaw na paglabag sa R.A. No.

Malinaw ayon sa Ombudsman na napaburan ang Busan ng DOTr.

Bilang kasalukuyan noong kalihim, dapat ginampanan umano ni Abaya ang kaniyang tungkulin at responsibilidad at hindi hinayaan na matuloy ang kontrata.

Binalewala umano ni Abaya ang batas, rules and regulations at standard operating procedures nang payagan niyang mai-award ang kontrada sa Busan JV sa kabila ng mga malinaw na iregularidad.

TAGS: Busan, DOTC, dotr, jun abaya, MRT-3 maintenance contract, Office of the Ombudsman, Busan, DOTC, dotr, jun abaya, MRT-3 maintenance contract, Office of the Ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.