Salitang “Tambay” hindi na gagamitin sa mga operasyon sa Metro Manila
Hindi na gagamitin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang salitang “tambay” sa kanilang mga isinasagawang operasyon,
Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, inatasan na niya ang lahat ng nasasakupan niyang distrito na wag nang gagamitin ang salitang “tambay” kapag maglalabas ng report o magpapa-interview sa media.
Sa halip, ang mas nararapat aniyang gamitin sa mga nahuhuli ay “lumabag sa city ordinances o local ordinances”.
Sinabi ni Eleazar na tuloy ang pagpapatupad nila ng batas at mga lokal na ordinansa sa Metro Manila.
Magugunitang umani ng batikos ang pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga tambay.
Pero nitong weekend, sinabi ng pangulo na wala naman siyang utos na arestuhin ang mga tambay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.