Apartment sa Cebu City tinupok ng apoy

Nasunog ang isang buong apartment sa bahagi ng Barangay Punta Princesa, Cebu City Lunes ng madaling-araw.

Batay sa impormasyon muna sa Bureau of Fire Protection (BFP), pumutok na breaker ng kuryente ang naging sanhi ng sunog.

Pumutok ang breaker ng kuryente mula sa isang kwarto ng apartment ni Jose Tinapay.

Sa kabila ng naranasang pag-ulan, umabot pa sa ikalawang alarma ang dalawampung minutong sunog.

Aabot sa P80,000 halaga ng mga ari-arian ang nasira bunsod ng sunog.

Wala namang nasugatan sa insidente.

Read more...