Humigit-kumulang 10,000 katao ang nakiisa sa isinagawang Gay Pride parade na may temang “Defiantly Different” sa New York, USA.
Nagmartsa at nagsayaw ang mga nakiisa habang ibinabandera ang kanilang rainbow-colored flags at balloons sa aktibidad.
Maliban dito, may ilan ring sumali sa parada gamit ang kanilang roller skates, motorsiklo at higit sa 100 makukulay na floats.
Sa ikalawang sunod na taon, marami sa mga nagmartsa ang nagdala ng anti-President Donald Trump banners at placards dahil sa naging pagtrato nito sa LGBT community.
Nagsimula naman ang dalawang milyang parada sa kilalang Stonewall Inn sa Greenwich Village patungong 29th Street.
Binago ang ruta ng parada ngayong taon para magunita ang ika-50 anibersaryo ng Stonewall riots sa pagitan ng gay nightclubs patrons at pulisya.
Naganap ang naturang riot noong 1969 kasabay ng pagsisimula ng US movement para sa gay rights.
Samantala, matatandaang nagsimula ang tradisyunal na parada sa Central Park noong 1970.