Ayon sa ulat ng Batangas police office nakilala ang nasawi na si Antonio Carredo.
Sakay umano ng tricycle si Carredo at kaniyang pamilya nang mabangga sila ng isang sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ni King Philip Limbo, Linggo ng gabi sa Barangay Nagsaulay.
Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina Biador Evangelista Jr., Dolores Carredo, Editha Evangelista, at Judith Ann Evangelista.
Hawak naman na ng mga otoridad ang driver ng SUV para maisailalim sa imbestigasyon.
MOST READ
LATEST STORIES