Ang Red Friday Protest na panawagan ay pinangungunahan ni Manila Police District Press Corps President Mer Layson at suportado ng lahat ng mamamahayag mula sa print, radio, telebisyon at online news network.
Ayon kay Layson, isang matahimik at mapayapang “Red Friday Protest” ang isasagawa ng mga mamahayag at kasama sa panawagan ang pakikiisa ng Manila Police District Press Corps, Justice Reporters Organization, Justice Correspondents and Reporters Association at iba pa na nakasabe sa Lungsod.
Pangunahing layon aniya nito na kondenahin sa mapayapang pamamaraan ang pinakamataas na antas at isa na namang pagpaslang sa isang kagawad ng media sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Hinihikayat ni Layson ang pagsusulot ng kulay pulang damit at paglalagay ng tarpulin na nagsasaad ng “KATARUNGAN!” “Stop media killings!” upang kondinahin ang pananambang at pagpaslang kay Manuel Gabriel Lacsamana; board chairman ng Luzon Media Association o LMA.
Nananawagan din si Layson sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation na maglunsad ng malalimang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng pagpatay kay Lacsamana.
Nananawagan din ang mga mamahayag sa Presidential Task Force on Media Security, upang mabigyan ng karampatang tulong at proteksyion ang mga naulila ng napaslang na mamahayag.
Sa Biyernes, magtitirik ng kandila sa gabi upang sama-samang kondenahin ang mga nagaganap na pamamaslang sa hanay ng media.
Sa datos ng National Union of Journalist of the Philippines, Mayo 3, 2018, nakapagtala ng 9 na patay, 85 na pag-atake sa mga mamamahayag sa buong bansa na itinuturing na pinakamataas na bilang ng karahasan sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.