Klase sa lahat ng antas sa Sta. Rosa City, Laguna sinuspinde dahil sa masamang panahon

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 25, 2018 - 07:57 AM

Dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan sinuspinde ang klase sa lahat ng antas public at private sa Sta. Rosa City sa Laguna.

Sa anunsyo ni Sta. Rosa City Mayor Dan Fernandez, wala nang klase all levels sa lungsod.

Malakas at tuluy-tuloy kasi ang nararanasang pag-ulan.

Maging ang pasok sa gobyerno ay sinuspinde na rin ng alkalde.

Gayunman, mananatiling tuloy ang operasyon ng mga may kinalaman sa rescue at relief operations.

Hindi rin kasama sa suspensyon ang mga traffic aides at mananatili silang naka-deploy sa mga lansangan.

Ipinaubaya naman na sa mga kumpanya ang pagsususpinde ng pasok sa mga private companies.

TAGS: laguna, Radyo Inquirer, sta. rosa city, walang pasok, laguna, Radyo Inquirer, sta. rosa city, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.