Sa pagtaya ng PAGASA, heavy to intense na pag-ulan pa rin ang ibubuhos na tubig ulan ng bagyong Lando sa 600 kilometer diameter nito,
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 130 kilometers northwest ng Laoag City Ilocos Norte. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 120 kilometers kada oras. Mabagal pa rin ang kilos ng bagyo sa 5 kilometers kada oras sa direksyong Northeast.
Bagaman humina at isa na lamang severe tropical storm, nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Batanes, Northern Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan group of Islands.
Habang signal number 1 naman sa La Union, Pangasinan, Benguet, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Isabela at nalalabing bahagi ng Cagayan.
Mananatili ang masungit na panahon hanggang Huwebes, at ayon kay PAGASA Forecaster Glaiza Escullar maaring sa Biyernes ay unti-unti nang maranasan ang pagganda ng panahon.