Signal Number 2 nakataas pa rin sa anim na lugar dahil sa bagyong Lando

By Dona Dominguez-Cargullo October 20, 2015 - 06:52 AM

Oct 20 Lando 5amMakararanas pa rin ng masungit na panahon ang malaking bahagi ng bansa dahil sa bagyong Lando.

Sa pagtaya ng PAGASA, heavy to intense na pag-ulan pa rin ang ibubuhos na tubig ulan ng bagyong Lando sa 600 kilometer diameter nito,

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 130 kilometers northwest ng Laoag City Ilocos Norte. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 120 kilometers kada oras. Mabagal pa rin ang kilos ng bagyo sa 5 kilometers kada oras sa direksyong Northeast.

Bagaman humina at isa na lamang severe tropical storm, nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Batanes, Northern Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan group of Islands.

Habang signal number 1 naman sa La Union, Pangasinan, Benguet, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Isabela at nalalabing bahagi ng Cagayan.

Mananatili ang masungit na panahon hanggang Huwebes, at ayon kay PAGASA Forecaster Glaiza Escullar maaring sa Biyernes ay unti-unti nang maranasan ang pagganda ng panahon.

TAGS: UpdateonLando, UpdateonLando

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.