Lacson sa mga banat ni Duterte: ‘May my God forgive him’

Tila nagpahayag ng pagkadismaya si Sen. Panfilo Lacson sa naging banat ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa Diyos noong Biyernes.

Sa isang pahayag nitong Linggo, nilinaw ni Lacson kung sino ang kanyang pipiliin sa pagitan ng kanyang Diyos at ng pangulo.

Sinabi ni Lacson na mas maraming pagkakataon siyang pumanig kay Duterte sa kabila ng pag-aalinlangan sa paniniwalang iba ito sa mga pangulong nanilbihan sa bansa.

Umasa din siya na ang pangulo na ay isang regalo ng Diyos sa Pilipinas at isang magandang pagbabago na ang darating sa ilalim ng liderato nito.

Gayunman kung papipiliin siya sa pagitan ng kanyang Diyos at ni Duterte ay hindi na anya siya mag-iisip kung sino ang kanyang pipiliin.

Hiling ng Senador na patawarin ng kanyang Diyos si Duterte at pagbayarin ito sa kanyang mga sala.

“Between him and my God to Whom I pray every single day and with Whom I’ve found solace and comfort in all my difficult times, I don’t even have to think of my choice. May my God forgive him and make him atone for all his sins,”

Noong Biyernes ay binatikos ng pangulo ang ‘creation story” o kuwento ng paglalang sa Bibliya partikular sa konsepto ng ‘original sin’.

Hindi anya maintindihan ng pangulo kung bakit gagawa ang Diyos ng bagay na perpekto at Kanyang sisirain din naman.

“Who is this stupid God? Estupido talaga itong p— ina kung ganun. You created some—something perfect and then you think of an event that would tempt and destroy the quality of your work,’ ani Duterte.

Makailang ulit na binatikos ni Duterte ang Simbahang Katolika dahil sa umano’y kabulastugan nito habang kinokontra ang polisiya ng kanyang administrasyon.

Read more...