Pangulong Duterte handang makatrabaho ang kahit sino ayon sa Malacañang
Bukas at handa si Pangulong Rodrigo Duterte na makatrabaho ang kahit sino ayon sa Palasyo ng Malacañang.
Ito ay sa gitna ng usap-usapan ng pagpapalit ng liderato ng Mababang Kapulungan.
Sa panayam ng INQUIRER.net kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nito na handa si Duterte na makatrabaho ang sinuman at sinabing nasa kamay ng mga mambabatas kung papalitan ang liderato sa Kamara.
“Well, the House organization is really dependent on members of the House of Representatives and the President is willing and able to work with anyone,” ani Roque.
Ayon kay Roque, kahit na dinodomina ng mga kakampi ng administrasyon ang Kamara ay hindi makikialam si Duterte sa pagpapalit nito ng mga lider.
Kung ito anya ang gusto ng mga mambabatas ay igagalang ito ng pangulo.
Anya pa, ang mahalagang bagay lamang para sa kahit sinong House Speaker ay suportahan ang legislative agendas ng pangulo partikular sa Bangsamoro Basic Law at ang federalism.
Matatandaang umagong ang balitang nais ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na maging susunod na House Speaker.
Gayunman ay kanyang pinabulaanan ito at sinabing hindi siya interesado sa pwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.