Drug suspek patay sa engkwentro sa Bulacan

By Justinne Punsalang June 25, 2018 - 03:26 AM

INQUIRER File Photo

Nauwi sa engkwentro ang ikinasang drug buy bust operation ng mga operatiba ng Malolos City Police Station sa Barangay Santisima Trinidad sa Malolos, Bulacan.

Kinilala ang napaslang na suspek na si Rolando Gante alyas Ope na kilala rin sa tawag na Hapon.

Ayon kay Police Superintendent Heryl Bruno ng Malolos City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU), matapos makabili ng hinihinalang iligal na droga ang mga otoridad mula kay Gante at tangkang aarestuhin ay pumalag ito.

Bumunot ng baril si Gante at pinaputukan ang mga pulis na gumanti rin ng putok at nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Nabatid na kanilang si Gante sa drugs watch list ng Barangay Santisima Trinidad

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 22 na baril, 5 plastic sachet ng shabu, at 12 piraso ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang mayroong pinagsamang halaga na P15,000.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.