Guilty ang hatol sa lider ng isang affiliate group ng ISIS na Jamaah Ansharut Daulah (JAD) na nasa likod ng paghimok sa ibang mga residente ng Indonesia na magsagawa ng pag-atake sa kanilang bansa.
Ayon kay presiding judge Akhmad Jaini ng South Jakarta District Court, guilty beyond reasonable doubt si Aman Abdurrahman sa salang inciting to terrorism.
Ayon sa limang judge na miyembro ng panel, ang mga teachings ni Abdurrahman ang nasa likod ng mga nasabing pag-atake simula noong 2016 hanggang 2017.
Nauna nang itinanggi ni Abdurrahman na siya ang nasa likod ng pag-atake, ngunit aminado ito na sinabihan niya ang kanyang mga kasmahan na magtungo sa Syria upang sumapi sa ISIS.
Sa kanya namang defense plea, sinabi ni Abdurrahman na ang mga nagsagawa ng pag-atake sa Indonesia ay ignorante at may sakit sa pag-iisip.
Ngunit ayon sa mga judge batay sa mga testimonya ng mga testigo, si Abdurrahman ang mismong nag-utos sa kanyang mga taga-sunod na maghasik ng kaguluhan sa Indonesia batay na rin sa mandato ng ISIS.