Ginebra tinalo ang Alaska sa PBA Commissioner’s Cup

By Justinne Punsalang June 25, 2018 - 03:19 AM

Pinataob ng Ginebra Gin Kings ang Alaska Acers sa kanilang naging tapatan Linggo ng gabi na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Natapos ang laro sa iskor na 105-86 pabor sa Gin Kings.

Dahil dito, kasama na ng GlobalPort Batang Pier ang Ginebra sa ikaanim na pwesto at mayroong 5-5 win-loss record.

Ayon sa head coach ng Ginebra na si Tom Cone, nagulat siya sa naging performance ng koponan na sa unang bahagi pa lamang ng laro ay puspusan na ang pagtambak sa Acers.

Aniya, nagstep up ang lahat ng miyembro ng Ginebra upang tumaas ang depensa ng koponan.

Si Justin Brownlee ang nanguna sa Gin Kings matapos niyang makapagtala ng 28 puntos na siyang game-high score, bukod pa sa 9 rebounds at 8 assists.

20 puntos naman ang ibinigay ni Vic Manuel para sa Aces.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.