4 katao, patay sa sunog sa Agoo, La Union

By Isa Avendaño-Umali June 24, 2018 - 07:56 PM

Patay ang apat na indibidwal makaraang masunog ang isang dalawang palapag na bahay sa Barangay San Julian, Agoo, La Union, Linggo ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire and Protection o BFP, tatlo sa mga nasawi ay mga bata o may edad apat, pito at siyam na taong gulang habang ang isang biktima ay ang kanilang amain.

Sa imbestigasyon, nag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali.

Natagpuang patay ang apat na taong gulang na bata sa isang kwarto habang ang tatlo ay nakita sa palikuran.

Nag-umpisa ang sunog dakong alas-syete ng umaga at idineklarang fire-out pasado alas-otso y medya ng umaga.

Na-trap ang mga biktima dahil may harang na grills ang mga bintana.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang aria-arian.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.