Lima katao ang dinakip kabilang ang Chinese manager na pawang kinasuhan ng human trafficking at paglabag sa ipinagbawal na “commercial surrogacy” noong 2016.
Natuklasan ng pulisya na mga baog na Chinese nationals ang nagbayad ng $10,000 (P534,000) sa bawat buntis na babae na payag ipanganak ang kanilang “anak”.
Diumano, mayroon nang 20 sanggol ang naibigay ng sindikato sa kanilang kliyente kung saan ang panganganak ay ginaganap sa Cambodia o sa China.
Ayon sa imbestigasyon, tumatanggap ng $500 na pangunang bayad ang mga babae at buwanang $300 hanggang makumpleto ang $10,000.
Hindi muna kakasuhan ng pulisya ang mga nahuling buntis na Cambodians.
MOST READ
LATEST STORIES