Drug pusher, patay sa engkwentro sa Parañaque; Pulis, sugatan

Inquirer file photo

Dead on the spot ang hinihinalang drug pusher habang sugatan naman ang isang pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Parañaque, Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, nakabili ang otoridad sa target ng operasyon na si alyas Tatay Ponso ang P1,000 halaga ng hinihinalang shabu sa operasyon sa bahagi ng Riverside One sa Barangay Tambo dakong 1:20 ng madaling-araw.

Nang mapansin ng suspek na pulis ang katransakyon, nagpaputok ito ng baril dahilan para magtamo ng tama ng baril sa binti si PO1 Dominic Enguio.

Bumawi naman ng putok ang otoridad na naging sanhi ng pagkamatay ng drug pusher.

Patuloy na pinaghahanap ang mga nakatakas na kasamahan ng suspek.

Read more...