Drug pusher, patay matapos manlaban sa pulisya sa Cavite

By Angellic Jordan June 24, 2018 - 09:06 AM

Inquirer file photo

Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos manlaban sa pulisya sa Trece Martires, Cavite.

Batay sa ulat ng Cavite police, nakabili ang isang pulis na nagsilbing poseur-buyer sa operasyon ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu mula sa suspek na si Louies Borja sa Barangay Hugo bandang 1:45, Linggo ng madaling-araw.

Sa pag-aresto sa drug pusher, binunot nito ang kaniyang baril at pumutok ng dalawang beses.

Dahil dito, binalikan ng putok ng baril ng pulisya ang suspek dahilan para sa agaran nitong pagkamatay.

Nakuha mula sa suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P300.

TAGS: Cavite police, drug pusher, Cavite police, drug pusher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.