Ilang bahagi ng NLEX-SCTEX, pansamantalang isasara sa mga susunod na araw
Pansamantalang isasara sa mga motorista ang ilang section ng North Luzon Expressway-Subic Clark Tarlac Expressway (NLEX-SCTEX) sa mga susunod sa araw.
Ayon sa NLEX Corporation, ito ay bunsod ng isasagawang maintenance work at bridge retrofitting sa mga kalsada.
Sa NLEX, narito ang listahan ng mga isasarang bahagi ng kalsada:
– Bocaue Interchange northbound exit ramp mula June 25 hanggang July 1 ganap na 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling-araw,
– Pulilan Interchange northbound at southbound mula June 25 hanggang 28,
– San Simon Interchange northbound at southbound mula June 25 hanggang 28.
Sa SCTEX, isasara ang Clark North Interchange sa bahagi ng Tarlac bound enrty ramp patungong Dolores Underpass mula June 25 hanggang June 26.
Samantala, magpapatuloy naman ang bridge retrofitting sa ilang kalsada ng NLEX kabilang ang mga sumusunod na kalsada:
– innermost lane ng Sta. Rita northbound at southbound mula June 22 hanggang June 30,
– outermost lane Candaba Viaduct southbound mula June 22 hanggang June 30,
– middle lane ng Valenzuela northbound mula June 25 hanggang June 28 at,
– middle lane ng Torres Bugallon Valenzuela mula June 25 hanggang 28.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.