Tumama ang magnitude 4 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng umaga.
Batay sa inilabas na datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 214 kilometers South ng Sarangani dakong 6:17 ng umaga.
May lalim ang lindol na 90 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Matapos ang pagyanig, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES