Wagi ang Mandaluyong El Tigre sa kanilang naging tapatan ng Zamboanga Valientes para sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup kagabi sa Imus Sports Complex sa Cavite.
Natapos ang laro sa iskor na 71-61 pabor sa El Tigre.
Sa nasabing laro ay nakapagtala ng ikalawang double-double si Bobby Ray Parks matapos niyang magbigay ng 13 puntos at 15 assists para sa Mandaluyong.
Unang naitala ni Parks ang double-double sa laban ng kanyang koponan kontra sa Muntinlupa Cagers kung saan nagbigay siya ng 21 points at 10 rebounds.
Samantala, nakuha ng General Santos Warriors ang kanilang unang panalo matapos talunin ang Imus Bandera sa iskor na 79-73.
Si Leomer Losentes ang nanguna sa Warriors sa pamamagitan ng kanyang 20 puntos at 4 assists.